latest Post

Elmo Magalona ayaw pa ring iwan ang pagkanta

Sunday, May 4, 2014 0:44
                   
Nagdiwang ng kanyang 20th birthday si Elmo Magalona noong April 27 at naging memorable ito dahil kasama niya ang leading lady sa Villa Quintana na si Janine Gutierrez.

Isa pa sa magandang regalong natanggap ng aktor ay isang indie film na entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Naiibang karakter ang gagampanan niya kung saan inaming handa na siyang magpaka-daring at kaya nang sumabak sa mga love scene.

Hindi naman niya iiwan ang pagkanta kahit magpo-focus siya sa akting.

Sa kabilang banda, masaya ang kanyang lovelife at inspirado sa trabaho dahil kay Janine. 

“Napaka-thoughtful niya at ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya,” anang aktor.

Lotlot kamukha ni Monching ang nagpapa-blooming

Blooming ngayon si Lotlot de Leon dahil in love sa kanyang boyfriend na taga-Dubai. Kahawig din ito ng ex-husband na si Ramon Christopher.

One year na silang magkarelasyon pero wala pa siyang balak na magpakasal dito. Annulled na naman ang kasal nila ni Monching.

Kasundo naman ng kanyang mga anak ang nobyo.

Boto siya kay Elmo Magalona sakaling maging nobyo ito ni Janine. Hindi niya alam kung may relasyon ang dalawa.

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>