latest Post

Kylie Padilla magbabalik trabaho na sa GMA

Sunday, May 4, 2014 0:38
                 

Sa susunod na linggo na pala ang dating ni Kylie Padilla galing Australia para magbabalik trabaho sa GMA 7.

Dinig namin, nagpapalit si Kylie ng handler sa GMA Artist Center dahil isang handler lang sila ni Aljur.

Nakausap namin ang pinsan ni Kylie na si RJ Padilla sa presscon ng Carmela at hinihintay na nga raw nila ang pagbabalik ng Kapuso young actress at ipinaparating naman daw ni RJ ang suporta niya para sa kanyang pinsan.

Nakatrabaho raw niya minsan si Aljur, at okay naman daw sila ng Kapuso hunk actor, dahil hindi naman daw siya nanghihimasok sa isyu nito kay Kylie.

Nakasabay pa raw niya minsan si Aljur sa isang Christian church at nagba-Bible sharing daw sila minsan, at doon daw niya lalong nakilala ang aktor.

Sabi ni RJ; “Nalulungkot ako siyempre, dahil nasaktan ang pinsan ko at hindi nga ganun kaganda ang break-up nilang dalawa.

“Hinihintay ko na lang kung ano ang masasabi ni Tito Robin, dahil ako ayoko munang makialam. Ang masasabi ko lang, nandito lang naman ako kung talagang kailangan ako ng pinsan ko.” 

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>