latest Post

Marian Rivera ayaw ng mag pa apektu sa mga intriga

Sunday, May 4, 2014 0:35 
                     

AYAW nang paapekto ni Marian Rivera sa nang-iintriga sa pagtatapos ng Carmela.

Sinasabi kasing gusto na raw ng GMA 7 na tapusin nang maaga ang Carmela pero hindi raw pumayag si Marian, kaya na-extend ito nang tatlong linggo.

Paliwanag ng GMA Primetime Queen, “Kasi, ang usapan talaga sa Carmela is one season talaga. ‘Yun ang pinirmahan ko sa GMA.

“Kasi, dapat kasabay ‘yan ng bago kong show, which is ayoko munang gawin. Gusto ko, Carmela muna. Tapos, right after Carmela, gagawin ko na ‘yan.

“Syempre, ang gusto ng GMA, gawin ko na. Sabi ko, after ng taping ko ng Carmela, humihingi lang ako ng ilang araw, taping na uli ako dito sa bago kong show.”

Ang dinig namin, isang dance show ang susunod niyang gawin, pero mas gusto ni Marian na mag-focus muna sa Carmela.

Lalo na’t masalimuot ang kuwento sa pagtatapos nito at may pumasok pang isang pampagulong karakter (Bea Binene).

Nilinaw ni Marian na wala siyang power para siya ang sundin ng GMA 7 sa kung ano ang gusto niyang gawin sa kanyang show.

“Palagi naman talagang may intriga sa soap, eh. Ang importante, masaya kami. Na-extend kami for three weeks. Hindi na masama ‘yung three weeks,” sagot ng aktres.

“Syempre, may mga boss naman ang GMA. May mga writer naman ‘yan na masusunod.
“Kumbaga ako, bilang artista, kung may gusto akong inputs sa istorya, ‘yun lang ang magagawa ko.

“Pero wala akong karapatan na gusto ko, ganito ang gagawin. Parang wala naman sa lugar ‘yun.” 

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>