latest Post

Julie Anne San Jose miyembro pa rin ng NBSB!

Sunday, May 4, 2014 0:42
        
No-no pala sa pagpili ng endorsers ng mga products, lalo na sa mga tweens, kung mababa ang morality ng pipiliin nila. Ayon sa mga executives ng Careline sa launch ng new tween endorser nilang si Julie Anne San Jose, may morality background check muna sila bago nila kunin ang isang endor-ser. Napili raw nila si Julie Anne dahil napatunayan nilang ang Kapuso singer/actress ay role model of the youth at napakalaki ng fan base nito.

Nagpasalamat naman si Julie Anne dahil birthday gift na raw niya ang pagkuha sa kanya ng Careline as she turns twenty years old on May 17. Biniro si Julie Anne bakit wala pa rin siyang boyfriend at hanggang sa pagli-link ba lamang siya sa mga nakatambal niya? Natawa si Julie Anne at masaya na raw siya na isa siyang NBSB (no boyfriend since birth) and she’s happy being single, hindi raw siya naghahanap ng boyfriend. 

Focused si Julie Anne sa kanyang studies at work as a singer lalo pa at naka-ninth Platinum record award na ang kanyang first album at inihahanda niya ang susunod niyang album sa GMA Records. 

This Sunday, ilo-launch ang bago niyang music video sa Sunday All Stars at ang TV Commercial niya ng Careline. Ayaw na rin niyang patulan ang mga bashers niya na patuloy na gumagawa ng mga issues laban sa kanya dahil wala naman siyang kinalaman kung anuman ang ikinagagalit nila sa kanya. 

Tuloy din ang pagiging mainstay niya sa Pepito Manaloto with Jake Vargas at Sunday All Stars every Sunday at soon, may sisimulan din siyang bagong soap sa GMA 7.

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>