latest Post

Lance Serrano acknowledges Eat Bulaga! stint as one of his biggest breaks in showbiz

Saturday, 14 June, 2014 | 23:53


Kabilang sa bagong hunks na pumirma sa GMA Artist Center si Lance Serrano, na unang nakilala bilang gym instructor sa segment ng Eat Bulaga! na "Gymeoke Excersi-Sing" noong 2013.

Nakasama ni Lance sa segment na ito si Vanessa Matsunaga, kapatid ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.

Inamin ni Lance na naging malaking tulong sa kanya ang magandang exposure na iyon sa Eat Bulaga!

“Because of that segment, nakilala naman ako kahit papaano.

“Kapag nasa mall ako, nakikilala nila ako dahil sa Gymeoke ng Eat Bulaga!

“And it was fun working with the Eat Bulaga Dabarkads.

"Madalas naming makasama ni Vanessa sa segment sina Pauleen Luna and Isabelle Daza.

“Mababait silang lahat doon at siyempre, na-miss ko rin gawin iyong segment na iyon,” sabi ni Lance —pep.ph

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +