latest Post

Joey De Leon, hinamon ang mga taong pumatay kay Vic Sotto

Sunday, July 27, 2014 | 23:07 by ADMIN

Malabo na paniwalaan ni Joey de Leon ang balitang kumalat sa mga social media tungkol sa pagkamatay ng kaibigang si Vic Sotto. Ngunit kahit hindi totoo ang balita nagbigay pa rin ng mensahe ang Eat Bulaga at Startalk host sa mga tao na nasa likod ng hoax.
 

Ayon sa report ng GMANetwork.com, ikinwento ni Joey na binati niya agad si Vic ng “Oh, you’re alive!” pagkakita niya rito sa Eat Bulaga nitong Sabado.

Marami din daw kasi sa mga taga media at kaibigan ang nagtanong sa kanya upanh kumpirmahin ang kumakalat na tsismis.

Ipinaliwanag niya na nagkataon lamang na absent si Vic dahil madalas itong maglaro ng golf tuwing Huwebes at Biyernes.

Hinamon ni Joey ang mga nagpasimuno ng hoax: “Itong mga social media minsan ginagamit sa kalokohan eh. Pero mga duwag ‘yun, mga duwag.”

“Nilalahat ko na. Mga duwag kasi. Hindi naman naglalagay ng pangalan na tunay ang mga ‘yun eh. Mga duwag. Ilagay niyo ang tunay niyong pangalan bago kayo mag-tsismis,” paghamon ng Eat Bulaga at Startalk host.

Ipinaalala rin niya na hindi dapat basta-basta pinaniniwalaan ang mga bali-balita, at kailangang mag-ingat sa mga kumakalat sa Internet na maaaring pagmulan ng virus.

Reference: http://www.gmanetwork.com/entertainment/shows/startalktx/articles/2014-07-26/11188/Joey-de-Leon-hinamon-ang-pumatay-kay-Vic-Sotto#sthash.GOZDc9mj.dpuf

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +