latest Post

Lalaki pinatay ang kapitbahay matapos palitan ang password ng WIFI

Sunday 27 July, 2014 | 22:45



Naga City, Camarines Sur —  Isang lalaki ang hindi nakapagpigil na kitilin ang buhay ng kanyang kapitbahay matapos daw palitan ng biktima ang password ng kanyang WIFI nitong Huwebes, Hulyo 24, 2014. Ayon sa pahayag na inilabas ng pulisya. Hiningi daw  ni "Jerome" (Ang suspect) sa biktima ang password ng WIFI nito, dahil sa kakilala at kapitbahay ng biktima si Jerome ibinigay naman nito sa suspect ang password upang makapag online sa facebook ata makapag download daw ng mga android games. 

Umabot daw ng mahigit isang buwan na gumagamit si Jerome ng wifi ng libre sa kanilang kapitbahay. Subalit nang mapansin ng biktima na bumabagal ang kanyang internet connection tuwing madaling na dapat ay mabilis ang kanyang connection, pinalitan daw ng biktima ang password ng wifi na walang pasabi kay Jerome. Kaya nangyari ang di inaasahang insidente na humantong sa patayan.

Ayon naman sa ina ng biktima, alam niya na may galit ang suspect sa kanyang anak dahil nasabi na daw ito ng kanyang anak sa kanya bago pa man nangyari ang insidente. Ayon sa kanya nagbanta daw ang suspect sa kanyang anak at sabing " Kapag di mo binalik ang dating password, siguradong pagsisisihan mo ang mangyayare sayo". Subalit dahil menor de edad ang biktima hindi na lamang daw nito pinansin ang sinabi ni Jerome. 

Ayon sa report ang biktima ay may limang saksak sa likuran at dalawa sa bandang tiyan. Ang biktima daw ay kilala na adik sa Clash Of Clans at kailanman ay hindi nakapagpaka nit ng internet dahil sa problemang pinansyal. Matapos ang insidente ay humantong sa Psychological Disorder si Jerome. Ang ina naman at mga ka anak ng biktima ay hindi na nagsampa ng kaso sa kadahilanang naka,it na daw nila ang hustisya ng magkaroon ng mental condition ang suspek. 

Reference: http://epictrendingnews.blogspot.com/2014/07/lalake-pinatay-ang-kapitbahay-dahil.html


About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +