latest Post

Blind Item: Male singer, 5 months nang ‘nakanganga’!


Wednesday,  April 23, 2014 11:35PM

  Kinu-consider na ngang tumanggap ng trabaho sa ibang bansa ng male singer dahil wala na itong regular na trabaho ngayon dito sa ‘Pinas. Bukod sa pagkanta ay umaarte rin sa mga teleserye ang male singer, pero sa ngayon ay wala itong regular na nilalabasan na show. Bale five months na raw siyang jobless.

Disappointed daw ang male singer sa kanyang management dahil hindi nga ito mahanapan ng maayos na trabaho. Hindi nga naman sapat ang palabas-labas niya sa teatro dahil wala naman daw kita talaga roon.

Gusto ni male singer ay regular gig, ‘yung may mapagkikitaan siya every week dahil meron nga siyang pamilya at lumalaki ang gastos ng mga ito.

May nag-offer na nga sa male singer na subukan nitong magtrabaho sa isang sikat na amusement park sa ibang bansa. Naghi-hire nga raw sila ng mga Pinoy entertainers dahil madali raw kausapin ang mga ito at masisipag.

Iniisip na nga raw ni male singer na kagatin ang offer dahil maganda ang bayad at pangmatagalan. ‘Yun nga lang ay malalayo siya sa kanyang pamilya at hindi na siya maku-consider doon na isang celebrity kundi isa na siyang empleyado.

Pero naghihintay pa rin daw si male singer mula sa kanyang ma­nagement kung meron ba itong maibibigay na trabaho sa kanya. Kung may magandang trabaho na darating, hindi siya aalis.

Pero kung malabo pa ring magkaroon siya ng maayos na pagkakakitaan dito sa bansa, malamang na tanggapin na niya ang maging isang OFW para matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Source: abante.com.ph


 If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>