latest Post

Jay Manalo balik Kapuso Network via Niño

Wednesday,  April 23, 2014 11:25PM


After mag-renew ng management contract sa talent manager niyang si Annabelle Rama, may proyekto na kaagad si Jay Manalo.

Dahil nag-expire na ang exclusive contract niya sa TV5, pinayagan siya ni Ma’am Wilma Galvante na makagawa na sa ibang TV network.

Ngayon ang first taping day ni Jay para sa teleserye ng GMA 7 na Niño.

Noong nasa TV5 si Jay, palaging may inquiry sa kanya ang Kapuso network at nagkataon na expired na ang kontrata niya sa Kapatid network, kaya walang problema.

Maganda ang naging working relationship ni Jay sa mga taga-TV5 dahil mismong ang big boss nila na si Ma’am Wilma ang nagsabing kukunin pa nila uli ang aktor sa ibang mga proyekto nila.


 If you like this story. Please share it. Thank you!

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +