latest Post

Tom, shoulder to cry on for Carla

Wednesday, April 23, 2014 12:15AM

DAMANG-DAMA raw ang kaligayahan ni Carla Abellana sa tuwing magsu-shooting siya ng romantic-comedy na So It’s You ng Regal Entertainment.

Watch the Full Movie trailer of So Its You here:

Lingid sa kaalaman ng staff and crew, that time ay may pinagdaraanan na ang magaling na aktres sa boyfriend niyang si Geoff Eigenmann.

Sa totoo lang, noon pa man daw ginagawa nina Carla at Tom ang beki-serye na My Husband’s Lover, lantad na lantad na sa lahat ang kaswitan ng dalawa.

Although nasa cast din si Dennis Trillo, mas lamang ang pagiging malambing ni Carla kay Tom. Eh, responsive naman ang aktor sa pagiging malapit sa kanya ng aktres kaya kung wala silang karelasyong iba, ang pagkakaroon nila ng relasyon ang nabuo rin ng pagsasama nila.

Nu’ng My Husband’s Lover The Concert, ’yung mga hagod sa likod, malalagkit na tinginan at matatamis na ngiti ay napansin ng nasa likod ng programa.

Dedma lang sila dahil inisip nilang pangiliti lang ’yon sa mga taong nagkakagusto sa tambalan nila.
Pero ngayong hiwalay na si Carla kay Geoff, heto’t umuugong ang tsismis na naging shoulder to cry on ni Carla si Tom nu’ng panahong nalulungkot siya.

Eh, likas naman kasing mabait ang aktor kaya hinahayaan lang niya si Carla na ibuhos ang kanyang damdamin.

Kaya kahit may pinagdaraanan, nandoon ang sigla kay Carla sa mga lambingan nila ni Tom sa movie. Kahit man lang sa pelikula, matagpuan niya ang right man para sa kanya.

Read: Paolo Ballesteros at Kevin Santos magpapatalbugan sa Regal movie na So It’s You

’Yun nga lang, may apektadong artista sa kaswitan nina Carla at Tom sa shooting -- si JC de Vera. Mukhang may tama rin si JC kay Carla kaya naman may tsismis na habang nasa set sina JC at Tom, hindi sila nakitang madalas nag-uusap, huh!

Source: journal.com.ph

If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>