latest Post

Regine Velasquez, Donna Cruz at Mikee Conjuangco , may reunion sa Sarap Diva.

Wednesday,  April 23, 2014 11:15PM


 May mga nagtatanong sa akinkung ano na ang buhay ngayon ni Donna Cruz? Well, sa Cebu na nga siya nakatira masaya sa piling ng kanyang mister at mga anak. At hindi siya tulad ng iba na nawala sa showbiz, na naghihirap na ngayon, dahil ang alam ko, yaman-yamanan pa rin si Donna.

At sure ako na matutuwa ang mga fans niya dahil balik-showbiz nga si Donna. Oo, dahil ngayong Abril 26 (Sabado), isang espesyal na birthday treat ang iha*handog ng Sarap Diva para sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid at makikisaya sa episode na ito ang dalawa sa pinakamalalapit niyang kaibigan sa industriya na sina Donna Cruz-Larrazabal at Mikee Cojuangco-Jaworski.

Sa unang pagkakataon, magsasama-sama muli sina Regine, Donna at Mikee, ang tatlong bida ng sikat na Filipino musical film noong 90’s, ang Do-Re-Mi. Sa pagbisita nina Donna at Mikee sa Sarap Diva, ipaghahanda nila si Regine ng isang espesyal na Carbonara.

Dapat ding abangan ng mga manonood ang bukingan segment nina Regine, Donna at Mikee tungkol sa kanilang past relationships. At upang makumpleto ang reunion ng magkakaibigan, muling aawitin nina Regine, Donna at Mikee ang hit song ng Do-Re-Mi na I Can.

Mapapanood ang birthday episode ni Regine ngayong Sabado sa Sarap Diva, 9:40 AM, pagkatapos ng Tropang Potchi sa GMA.


 If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>