latest Post

Jennylyn, gustong makilala ni Loren

Wednesday,  April 23, 2014 11:33PM


 Ini-launch sa media ang bagong video documentary ni Sen. Loren Legarda na ginawa ni direk Brillante Mendoza tungkol sa Philippine Marine Biodiversity.

Sa kooperasyon ng Department on Environment and Natural Resources, nabuo ang naturang docu para iparating sa lahat ang nararapat na pangangalaga natin sa ating karagatan.

Sabi ni Sen. Loren, malaki ang maitulong ng naturang docu na malaman ng ating mamamayan kung paano natin mapangalagaan ang ating karagatan.

Ikinuwento namin kay Sen. Legarda na si Jennylyn Mercado ay nahirang ng DENR na Ambassadress of the Ocean na kung saan active ito sa pagtulong sa paglinis sa ating karagatan.

Madalas na ginagawa ito ni Jennylyn sa Batangas kung saan siya nagda-diving kasama ang mga kagrupo.

Natuwa si Sen. Loren, kaya gusto sana niyang makilala si Jennylyn at baka may makatulong ito sa kanyang campaign.

Source: abante-tonite.com


If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>