latest Post

Carla at Geoff, nag-uusap pa rin

Thursday,  April 24, 2014 12:15AM

Walang galit ang manager ni Geoff Eigenmann na si Perry Lansigan sa ex-girlfriend ng aktor na si Carla Abellana.



Read: Carla nakikisama na lang, matagal nang hiwalay kay Geoff

Ayon kay Perry, ang alam niya, ayaw mismo ni Carla na magsalita na tungkol sa pakikipaghiwalay ng aktres kay Geoff, pero napilit daw ito na aminin na ang tungkol doon.

Hindi ikinabigla ni Geoff ang pagpapainterbyu ni Carla sa Startalk kaugnay sa hiwalayan nila.



Read: Tom, shoulder to cry on for Carla

“Alam ni Geoff ang tungkol doon. Nag-uusap pa rin sila ni Carla kahit wala na sila. Hindi sila magkaaway.

Hindi ikinabigla ni Geoff ‘yung interview ni Carla sa Startalk dahil nasabi sa kanya bago pa nangyari ‘yon,” pahayag ni Perry.


 Read: Carla Abellana want to maintain her closeness to ex-boyfriend Geoff Eigenmann’s family

Sa Biyernes ang balik sa bansa ni Geoff mula sa Amerika.

Nagbakasyon doon ang aktor at kailangan nang bumalik ng bansa dahil sa Sabado ay may trabaho na si Geoff.

“May regional show kasi na naka-schedule noon pa, kaya darating na sa Friday si Geoff,” sabi ni Perry.

Sa pagbabalik ba ni Geoff ay magpapainterbyu na rin ito tungkol sa hiwalayan nila ni Carla?

“Ayaw ni Geoff. Hindi siya magsasalita. Basta ‘yon ang sabi niya, para hindi na lumaki, hindi na siya magpapainterbyu.

“Kung ako ang masusunod, okay lang sa akin na magpainterbyu si Geoff para mabigay rin niya ang side niya, pero siya ang may ayaw.

“Siguro, okay lang sa kanya na hindi magsalita dahil hindi sila magkaaway ni Carla,” pahayag pa ni Perry.

Source: abante-tonite.com


 If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>